^

Balita Ngayon

Drilon: PNoy 'di mag-endorso ng labas sa LP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi mag-e-endorso ng hindi miyembro ng Liberal Party (LP) si Pangulong Benigno Aquino III, ito ay ayon kay Senate President Frankllin Drilon.

Ang pahayag na ito ni Drilon ay kaugnay sa sinabi ni Bise Presidente Jejomar Binay na umaasa pa rin siyang suportahan ng pangulo ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo sa 2016.

READ: Binay umaasa sa suporta ni PNoy

"Sa palagay ko ay mukhang pag-asa lang po iyan at hindi po mangyayari na ang Pangulong Aquino ay mag-eendorsa ng iisang kandidato na hindi sa Partido Liberal," wika ni Drilo sa panayam sa isang radio program.

Kabilang sa magkaibang partido ang dalawa. Ang pangulo ay chairman ng LP habang si Binay ay nasa ilalim ng United Nationalist Alliance o UNA.

Dagdag pa nito, "Siya po ay sa partido, at inaasahan namin na ang mga plataporma ng Partido Liberal ang kanyang isusulong at kanyang ie-endorse ang isang kandidato mula sa Partido Liberal."

Sinabi na noon ni Drilon na sa ngayon, si Department of Interior and Local Goverment Secretary Mar Roxas pa lamang ang nakikitaan nila sa LP ng interes na tumakbo sa pagkapangulo.

vuukle comment

ANG

BINAY

BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

DAGDAG

DRILON

LIBERAL PARTY

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PARTIDO LIBERAL

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with