^

Balita Ngayon

P500K halaga ng ari-arian tinupok ng apoy sa Maynila

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinupok ng apoy ang isang gusali habang kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon sa Maynila ngayong Miyerkules.

Wala namang nasaktan sa insidente ngunit aabot sa kalahating milyon ang halaga ng pinsala sa unit ni John Tan sa R-Square building sa R. Roman St., Binondo, Manila.

Nagsimula ang apoy bandang 12:12 ng madaling araw na kaagad kumalat hanggang sa ikatlo at ikaapat na palapag ng gusali.

Kabilang sa mga nasunog ang ilang plastic mannequins at mga ready-to-wear na damit.

Bandang alas-2 ng madaling araw naapula ng mga bumbero ang apoy.

Inaalam pa rin ng mga imbestigador ang pinagmulan ng sunog.

vuukle comment

BAGONG TAON

BANDANG

BINONDO

INAALAM

JOHN TAN

KABILANG

MAYNILA

MIYERKULES

NAGSIMULA

ROMAN ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with