^

Balita Ngayon

Biktima ng paputok sa 3 ospital sa Metro Manila dumoble

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Higit doble ang bilang ng firecracker-related injuries sa tatlong ospital pa lamang sa Metro Manila, ayon sa health official ngayong Miyerkules.

Sinabi ni Department of Health Assistant Sec. Eric Tayag na 161 na biktima ng paputok ang kanilang naitala mula alas-6 ng gabi ng Martes hanggang alas-6 ng umaga ngayon sa East Avenue Medical Center, Jose Reyes Memorial Medical Center, at Tondo Medical Center.

Dagdag niya na 119 percent na mas mataas ito kumpara sa nakaraang pagsalubong ng bagong taon.

Karamihan pa rin sa mga biktima ay gumamit ng ipinagbabawal na Piccolo

Kahapon ay sinabi ni Tayag na inaasahan nilang maglalaro sa 50 hanggang 80 biktima kada oras ang mga isusugod sa ospital.

Sa talaan kahapon ay nasa 253 na ang bilang ng firework-related injuries, walo ang natamaan ng ligaw na bala at isa ang nakalunok ng paputok.

Hindi pa kasama sa naturang bilang ang mga nabanggit mula sa tatlong ospital sa Metro Manila.

vuukle comment

DAGDAG

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ERIC TAYAG

HIGIT

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

KAHAPON

KARAMIHAN

METRO MANILA

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with