^

Balita Ngayon

Magkakasunod na lindol sumalubong sa 2014 ng Ilocos Norte

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lindol ang sumalubong sa Ilocos Norte sa pagpasok ng Bagong Taon ngayong Miyerkules, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ng Phivolcs ang magnitude 5.5 na lindol sa ganap na 4:01 ng umaga.

Namataan ang sentro ng lindol sa 105 kilometro hilaga ng Burgos, Ilocos Norte, dagdag ng ahensya.

Wala namang napinsala ang lindol sa kabila ng naramdamang Intensity III sa lungsod ng Laoag at bayan ng Sarat.

Sinabi ng Phivolcs na makararanas ng aftershocks ang ilang lugar.

Sa katunayan, apat na mahihinang lindol na ang naitala, kabilang ang  magnitude 4.8 kaninang 7:41 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito sa 91 kilometro hilaga ng bayan ng Burgos.

vuukle comment

BAGONG TAON

BURGOS

ILOCOS NORTE

LAOAG

LINDOL

MIYERKULES

NAITALA

NAMATAAN

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PHIVOLCS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with