^

Balita Ngayon

CBCP ipinagdasal ang mga tiwaling opisyal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kabilang sa ipinagdarasal ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno para sa pagpasok ng bagong taon.

Ipinagdasal ni CBCP President at Dagupan City Archbishop Socrates Villegas ang mga abusadong pulitiko, biktima ng karahasan at kalamidad na magbago at makabangon sa 2014.

"We pray that war may end and hunger may be gone. We pray that the reign of terror and the power of each gun be melted by the mercy of God and the Blood of His only Son!" dasal ni Villegas na nagsilbing New Year message niya na pinamagatang “Let us start again.”

"We pray for an end to kidnappings. We pray that violence stop. We beg for the end of terrorism and the conversion of the corrupt. We pray for peace in Syria, [and] healing for every troubled heart. We pray for typhoon victims that they can soon rise up and start," dagdag niya.

Naging malaman ang taong 2013 dahil sa kabi-kabilang isyu sa gobyerno at isa na rito ang umano’y bilyung-bilyong pork barrel scam na kinasangkutan ng ilang mambabatas.

Pumutok din ang kaguluhan sa Mindanao nang sakupin ng Moro National Liberation Front sa pangunguna ni Nur Misuari ang ilang barangay sa Zamboanga City, habang sinubukan namang sakupin ng mga tauhan ng Sultanato ng Sulu ang Sabah sa Malaysia.

Dumaan rin ang kalamidad tulad ng magnitude 7.2 na lindol na tumama sa probinsya ng Bohol kung saan higit 200 ang nasawi at nasira rin ang mga makasaysayang simbahan at iba pang establisyamento.

Tumatak na rin sa kasaysayan ng Pilipinas ang paghagupit ng bagyong Yolanda sa Samar at Leyte kung saan higit anim na libo na ang kumpirmadong patay.

Sa huli ay nais ng simbahan na manaig ang kapayapaan sa bansa pagpasok ng bagong taon.

vuukle comment

BOHOL

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DAGUPAN CITY ARCHBISHOP SOCRATES VILLEGAS

DUMAAN

GOD AND THE BLOOD OF HIS

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NEW YEAR

NUR MISUARI

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with