^

Balita Ngayon

Money Transfer sa Batangas nilooban

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nilooban ng isang armadong grupo ng mga kalalakihan ang sangay ng Western Union money transfer sa Batangas ngayong Lunes.

Nagpanggap umano bilang mga customer ang mga suspek kaya nakapasok sa establisyamento sa J.P. Laurel Street, Barangay Mataas na Lupa.

Pagpasok na pagpasok sa loob ng Western Union, agad dinisarmahan ng mga suspek ang sekyu na si Juny Verna.

Pagkatapos agawin ang baril ng sekyu, puwersahang pinabuksan ng mga armadong lalaki ang kaha de yero sa teller na si Kenneth Altamirano.

Agad tumakas ang mga suspek sakay ng isang itim na motorsiklo matapos kubrahin ang laman ng kaha de yero.

Kinuha din ng mga suspek ang clutch bag ni Altamirano na may lamang P1,200.

vuukle comment

ALTAMIRANO

BARANGAY MATAAS

BATANGAS

JUNY VERNA

KENNETH ALTAMIRANO

KINUHA

LAUREL STREET

LUPA

WESTERN UNION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with