^

Balita Ngayon

Sulu sultanate: Malaysians inaatake na ng mga Tausug sa Sabah

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagsimula na umanong atakehin ng mga Tausug ang mga lokal sa Malaysia sa patuloy na pagtaas ng tensyon sa Sabah dahil sa mga engkuwentro sa pagitan ng mga tauhan ng Sultanate of Sulu at Malaysian security forces.

Inihayag ni Cecilia Kiram na nilalabanan na ng mga Tausug sa Sabah ang mga Malaysian na nagpapauwi sa kanila pabalik sa Mindanao. Nagsimula umano ang mga pag-atake noong Sabao.

Ayon kay Kiram, sumulat na ang sultanato sa gobyerno ng Malaysia kung saan hiniling nila na magkaroon ng mapayapang solusyon ang kaguluhan sa Sabah.

Nagmamatigas naman umano ang gobyerno ng Malaysia at iginiit na kailangang sumuko ng mga miyembro ng royal army na pinamumunuan ni Raja Muda Agbimuddin Kiram at umuwi na ng Pilipinas.

"It seemed all they want is to crush the forces of the Sultanate,” pahayag ni Kiram.

Aniya, walang kahulugan sa mga Tausug ang salitang pagsuko dahil parte na ng kanilang buhay ang pakikipaglaban.

“We do not know what will happen next. So far, hindi po nila makaya ang ating mga Tausug warriors. We heard ‘yung pwersa ng Malaysia ay hindi kayang labanan ang ating mga tao on the ground. Hindi nila kaya ang tactical moves na ginagawa ng ating mga tao. Sanay sila sa laban, 400 years na sila lumalaban, e,” dagdag ni Kiram.

“Mas sanay sila sa giyera. Ang gamit nga lang nila bolo against guns. Would you believe that?” bulalas ng asawa ng Sultan ng Sulu na si Jamalul Kiram III.

Sinabi pa ng babaeng Kiram na dapat ay pumagitna na ang United Nations upang ayusin ang gusot sa pagitan ng gobyerno ng Malaysia at ng Sultanato ng Sulu.

vuukle comment

CECILIA KIRAM

JAMALUL KIRAM

KIRAM

NAGSIMULA

RAJA MUDA AGBIMUDDIN KIRAM

SABAH

SULTANATE OF SULU

TAUSUG

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with