^

Balita Ngayon

MILF hihimuking maglabas ng pahayag sa gulo sa Sabah

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Irerekomenda ng pinuno ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) peace panel sa kanilang central committee na maglabas ng pahayag sa epekto ng kasalukuyang kaguluhan sa Sabah sa pagbubuo ng Bangsamoro framework agreement.

Umaasa si Mohagher Iqbal, tagapangulo ng MILF peace panel, na maglalabas ang liderato ng MILF ng opinyon nito sa epekto ng kaguluhan sa Sabah sa pagitan ng mga tauhan ng Sultanato ng Sulu at puwersa ng Malaysia.

"The central committee of the MILF will come up with a statement regarding the effects of the standoff in Sabah on the ongoing MILF-GRP peace negotiation po. Pero sa Sabah issue po, hanggang ngayon ang policy ng MILF is not to make any statement," sabi ni Iqbal sa isang panayam sa radyo.

Aniya, naaapektuhan ang usapang-pangkapayaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at MILF dahil ang gobyerno ng Malaysia ang tumatayong facilitator nito.

"Kasi apektado na po iyong pag-uusap ng gobyerno ng Pilipinas at MILF at saka alam po ninyo, Malaysia ang nagpa-facilitate nyan," dagdag ni Iqbal.

Nilinaw naman ng MILF peace panel chief na walang hinihinging tulong ang gobyerno ng Malaysia sa MILF hinggil sa kaguluhan sa Sabah, gayundin ang gobyerno ng Pilipinas.

"Officially wala po. Kasi po klarung-klaro naman po ang agenda ang negotiation ng gobyerno ng Pilipinas at MILF na hindi po kasama ang Sabah kaya officially po wala pong pasabi ang Malaysian government tungkol sa Sabah in relation to the negotiations," ani Iqbal.

vuukle comment

ANIYA

BANGSAMORO

GOBYERNO

IQBAL

KASI

MILF

MOHAGHER IQBAL

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PILIPINAS

SABAH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with