^

Balita Ngayon

Pagdinig sa kasong pandarambong ni GMA ipinagpaliban

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang pagdinig ngayong Miyerkules sa kasong pandarambong ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa maanomalyang $329-milyon broadband netwrork deal sa pagitan ng gobyerno at ZTE Corp. ng Tsina noong 2007.

Hindi itinuloy ng Fourth Division ng anti-graft court ang pagdinig matapos humingi ang mga abogado ni Arroyo ng mas mahabang panahon upang makapaghanda ng sagot sa desisyon ng korte na ibasura ang nauna nilang mosyon.

Hiniling ng kampo ni Arroyo sa korte na ibasura ang kasong pandarambong.

Iniskedyul ng korte ang pagdinig sa Marso 20 at 21, ganap na 8:30 ng umaga.

Didinggin sana ng korte ang testimonya ng apat na testigo, kabilang ang dating House Speaker na si Jose de Venecia, sa naturang kasong pandarambong.

Bukod sa dating pangulo, sinampahan din ng kasong pandarambong sina dating first gentleman Jose Miguel Arroyo, Commission on Election chairman Benjamin Abalos at dating kalihim ng Department of Transportation and Communication na si Leandro Mendoza.

Ang naturang kontrata ay pinirmahan sa Tsina noong Abril 21, 2007.

vuukle comment

ABRIL

BENJAMIN ABALOS

BUKOD

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

FOURTH DIVISION

HOUSE SPEAKER

JOSE MIGUEL ARROYO

LEANDRO MENDOZA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

TSINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with