^

Balita Ngayon

Mar naaalarma na sa sunud-sunod na krimen

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpatawag ng pulong si Department of Interior Local and Government (DILG) secretary Mar Roxas sa mga opisyal ng Philippine National Police ngayong Miyerkules ng umaga upang aralin ang ginagawa nitong mga hakbang laban sa kriminalidad.

Inamin ni Roxas na nagpatawag siya ng pulong sa PNP, sa pangunguna ng hepe nito na si Alan Purisima, naaalarma na siya sa sunud-sunod na nagaganap na mga pamamaril at pagnanakaw sa kabila ng ipinapatupad ng election gun ban at checkpoint ng pulisya.

"Kasama ninyo ako na naaalarma din. Sa kabila ng mga hakbang na isinasagawa ng PNP at pati na rin 'yung mga checkpoint at gun ban, itong masasamang loob talagang gusto nilang subukan ang pamahalaan," sabi ni Roxas sa isang panayam sa radyo.

Ayon kay Roxas, gusto niyang malaman ang buong detalye kung paano ipinapatupad ng PNP ang mga checkpoint, ang election gun ban, at ang kampanya nito laban sa kriminalidad.

"Gagawin kong executive session, walang mga staff, walang mga assistant para magkamasinsinan na pag-uusapan ano ba talaga, dahil hindi naman pwedeng magpatuloy ito," sabi ng kalihim.

Samantala, inamin naman ni Roxas na kulang sa tauhan at pondo ang PNP at pinuna din niya ang mahinang intelligence gathering ng kapulisan.

"Malaki talaga ang problema, hindi basta-basta malulutas ito. Malaki ang kakulangan sa tao, malaki kakulangan sa intelligence, sa resources at iba pa," ani Roxas.

Noong Martes anim na armadong kalalakihan ang nanloob sa Western Union branch sa lungsod ng Parañaque. Nakatakas ang mga magnanakaw tangay ang P60,000 matapos makaengkuwentro ang mga nagpapatrolyang pulis.

Noong Lunes, isang negosyante ang namatay sa lungsod ng San Juan nang tambangan ng nag iisang gunman kahit katanghaliang tapat.

Nauna rito, isang armadong grupo ang humakot ng mga alahas sa SM Megamall noong Sabado ng gabi.

Sinundan ng mga nasabing insidente ang pamamaril sa loob ng korte sa lungsod ng Cebu, kung saan tatlo ang namatay kabilang ang namaril.
 
Ilang araw pagkatapos ng bagong taon, isang lalaki ang walang habas na namaril at nakapatay ng pito katao sa Cavite.

Sa naturang panayam, sinabi rin ni Roxas na plano ng DILG na obligahin ang mga negosyante na maglagay ng mga CCTV camera sa kanilang mga establisimyento.

Aniya, balak nila na gawing isa sa mga business permit requirement ang pagkakaroon ng CCTV camera. Kabilang sa mga establisimyento na balak obligahin na magkaroon ng CCTV camera ay ang mga bangko, mga sanglaan, tindahan ng alahas, money changer at iba pang tindahan na may mga laman na mamahaling bagay at malalaking halaga ng pera.

vuukle comment

ALAN PURISIMA

DEPARTMENT OF INTERIOR LOCAL AND GOVERNMENT

MALAKI

MAR ROXAS

NOONG LUNES

NOONG MARTES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

ROXAS

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with