^

Balita Ngayon

Bata patay sa aso sa Zamboanga City

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang siyam-taong-gulang na bata matapos lapain ng aso sa Zamboanga City noong Lunes ng hapon, ayon sa mga pulis.
 
Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Mariane Gonzales, grade four na sa Pasonaca Elementary School at residente ng Baranggay Cabangan.

Inatake ang bata ng aso habang dumadaan kasama ang tatlo pang bata sa Summer Hill Subdivision sa Baranggay Pasonaco bandang 4:50 ng hapon. Papauwi na noon ang bata nang maganap ang pag-atake.

Ayon sa imbestigasyon, ang isang asong Belgian Malinois na pagmamay-ari ni Geolar Tan ay nakatakas mula sa pagkakatali nang mapadaan ang mga bata.

Nakatakbo ang ibang bata at naiwan si Gonzales na nahulog sa isang lawa habang inaatake ng aso.

Kaagad isinugod sa ospital ang biktima matapos ang biktima ngunit idineklara rin siyang dead on arrival.

Ayon sa pulisya, kagat sa leeg at sa iba’t ibang parte pa ng katawan ang ikinamatay ng bata.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang aso at dalawang nangangalaga dito na sina Joel Cañete at RJ Serbestre habang hinihintay ang pormal na paghahayin ng kaso ng mga magulang ng biktima.

vuukle comment

AYON

BARANGGAY CABANGAN

BARANGGAY PASONACO

BATA

BELGIAN MALINOIS

GEOLAR TAN

JOEL CA

MARIANE GONZALES

PASONACA ELEMENTARY SCHOOL

SUMMER HILL SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with