^

Balita Ngayon

Lolang lider ng drug group tiklo sa Cebu

Pilipino Star Ngayon

 

MANILA, Philippines -Tiklo ang isang matandang babae dahil sa umano'y pagtutulak ng droga sa lungsod ng Cebu, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Biyernes.
 
Ayon kay PDEA chief Arturo Cacdac Jr., nahuli ang 61-anyos na si Pedita Abellana ng Magsaysay Street, Barangay Suba, Cebu City noong Enero 16.
 
Sinabi ni Cacdac na si Abellana ang lider ng kilabot na Abellana drug grou na nasa likod ng paglago ng ilegal na droga sa Baranggay Suba at mga karatig na barangay.
 
Ayon sa ulat, isang undercover agent ng PDEA Regional Office 7 na nagpanggap na buyer ang nakipagkita kay Abellana sa Baranggay Suba bandang 1:30 ng hapon. 
 
Matapos iabot ng suspek ang  pakete ng shabu, kaagad siyang inaresto ng mga awtoridad.
 
Nakuha pa sa suspek ang dalawa pakete ng shabu na may timbang na higit sa dalawang gramo at nakapaloob sa isang asul na bag.
 
"Even in their 60s, these women are bold enough to head a drug group,” sabi ni Cacdac patukoy kina Abellana at 65-anyos na si Violeta Vallecersaid, lider ng Contreras drug group na nahuli noong Disyembre 13, 2012.

vuukle comment

ABELLANA

ARTURO CACDAC JR.

AYON

BARANGAY SUBA

BARANGGAY SUBA

CACDAC

CEBU CITY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

MAGSAYSAY STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with