^

Balita Ngayon

2 Pinoy na bihag patay sa Algeria

Pilipino Star Ngayon

 

MANILA, Philippines - Dalawang Filipino na bihag ng mga militanteng Muslim sa Algeria ang namatay sa isang rescue operation ng special forces sa naturang bansa nitong Biyernes.
 
Bukod sa dalawang Filipino, apat pang mga bihag ang namatay din matapos bombahin ng Algerian helicopters at sugurin ng Algerian special forces ang gas plant kung saan itinago ng mga militante ang kanilang mga bihag.
 
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga namatay na bihag.
 
Ayon sa mga ulat, marami pang mga bihag ang hindi pa nakikita ng mga awtoridad sa Algeria matapos ang rescue operation. Kabilang sa mga bihag ay mga Amerikano, Briton, French, Norwegians, Romanians, Malaysians, Japanese at Algerians.
 
Sa mga ulat nitong Huwebes, lagpas 40 umano ang mga dayuhang bihag ng mga militante.

vuukle comment

AMERIKANO

AYON

BIHAG

BIYERNES

BUKOD

DALAWANG FILIPINO

HUWEBES

INAALAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with