^

Probinsiya

3 paslit patay sa lunod

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines – Patay ang tatlong batang lalaking magkakapatid matapos na lamunin ng malakas na agos habang naglalaba sa ilog sa Brgy. Saksak, Aloguinsan, Cebu kamakalawa. Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Rod Mar Flores, 8; Reymart, 6 at Rafael, 4. Bandang ala-1 ng hapon kamakalawa ng matagpuan ang bangkay ng mga biktima sa ilog ng Brgy. Saksak matapos lumutang ilang oras pagkaraang malunod sa insidente. Base sa ulat ng pulisya, nagtungo ang magkakapatid sa ilog para maglaba ng kanilang mga damit kaugnay ng pagbubukas ng klase nang mapagawi sa malalim na bahagi na tinatayang nasa anim na talampakan. Unang nalunod ang 4-anyos na sinaklolohan naman ng kanyang mga kuya, gayunman pawang nilamon sila ng malakas na agos sa ilog. Nabatid na dakong alas- 11 ng tanghali ng utusan ng kanilang 35-anyos na inang si Maribeth ang mga bata na maglaba dahilan bagong panganak ito na humantong sa trahedya.

vuukle comment

ALOGUINSAN

BANDANG

BRGY

CEBU

KINILALA

MARIBETH

NABATID

PATAY

ROD MAR FLORES

SAKSAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with