^

Probinsiya

2 Chinese trader kinidnap

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines – Dinukot ang dalawang Chinese trader ng anim na mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa panibagong insi­dente ng kidnap for ransom sa bayan ng Kabasalan, Zamboanga, Sibugay nitong Lunes ng gabi. Kinilala ni Army’s 1st Infantry Division (ID) Spokesman Captain Alberto Caber, ang mga kinidnap na biktima na sina James Lou, 48 at Jampong Linyuan Kai, 38, kapwa tubong Guandong, China at nanunuluyan sa Brgy. FL Peña , Kabasalan ng lalawigang ito. Ang mga ito ay namimili ng manganese, batong hiyas tulad ng ginto at iba pa. Base sa imbestigasyon, sinabi ni Caber, na dakong alas-8 ng gabi ng bigla na lamang sumulpot sa lugar ang mga kidnappers na nagpanggap na miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI) at puwersahang kidnapin ang mga biktima. Walang nagawa ang mga biktima matapos tutukan ng baril at kaladkarin ng mga kidnaper pasakay sa isang kulay puting van na nakitang tumahak sa Sitio Olingan, Brgy. Salipyasin ng nasabing bayan. Ang nasabing van ayon kay Caber ay natagpuan ng tumugis na pinagsanib na elemento ng pulisya at militar na sinunog sa lugar. Sa pangunang imbestigasyon, lumilitaw ang grupo ni MILF rogue element Commander Waning Abdusalam ang responsable sa pagdukot sa nasabing bihag dahilan tumahak ang mga abductors tangay ang biktima sa teritoryo ng mga ito sa kabundukan ng Kabasalan.

vuukle comment

BRGY

COMMANDER WANING ABDUSALAM

INFANTRY DIVISION

JAMES LOU

JAMPONG LINYUAN KAI

KABASALAN

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SITIO OLINGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with