^

Probinsiya

Misis, 2 pa dedo sa amok na mister

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines – Tatlo katao kabilang ang misis ng isang amok na mister ang nasawi bago nag-suicide rin ang huli makaraang walang habas na mamaril ang suspect sa Brgy. Bono-Bono, Bataraza, Palawan kamakalawa.

Ayon kay Palawan Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Reynaldo Jagmis, dead-on-the-spot sa insidente ang ginang na si Evelyn Montalvo, 30 at ang agad ring binawian ng buhay matapos magbaril sa bunganga ang mister nitong si Rolly Montalvo, 37.

Minalas namang madamay sa insidente ang mga kapitbahay nilang mag-ina na sina Lolita Bangi, 28 at isang taong gulang na anak nitong si Arnold Bangi. Ang ginang ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Southern Palawan Provincial Hospital sa tinamong grabeng sugat sa katawan at ang bata ay idineklarang dead-on-arrival sa tinamong tama ng bala sa ulo.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas ang isa pang sugatang kapitbahay na si Darilyn Buntor.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente  dakong alas-10 ng umaga matapos na umano’y magwala ang suspek na hinihinalang may diprensya sa pag-iisip at armado ng cal. 45 Norinco pistol. Una nitong pinagbabaril ang asawa.

Hindi pa nakuntento ay walang habas pa itong nagpaputok ng baril na ikinasawi ng mag-ina nilang kapitbahay at isa pa ang nasugatan. Matapos ito ay siya naman ang nagbaril sa sarili.

vuukle comment

ARNOLD BANGI

DARILYN BUNTOR

DIRECTOR SR. SUPT

EVELYN MONTALVO

LOLITA BANGI

PALAWAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

REYNALDO JAGMIS

ROLLY MONTALVO

SOUTHERN PALAWAN PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with