^

Probinsiya

Mag-utol nalunod sa tubig-baha

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Masyadong napaaga ang salubong ni kamatayan sa mag-utol na bata matapos nitong malunod sa tubig-baha sa pananalasa ng Bagyong Ambo sa bayan ng Busuanga, Palawan kahapon. Sa ulat ng Civil Defense ng Region 4-B, nakilala ang mga biktima na sina Princess Beyonce Abrera, 2; at Shaoun Morie, 4, kapwa nakatira sa Barangay Sagrada sa nasabing bayan. Unang natagpuan ang bangkay ni Princess Beyonce bandang alas-11 ng umaga habang ala-una naman ng hapon nang mamataan ang bangkay ni Shaoun Morie may ilang metro ang layo sa kanilang bahay. Base sa ulat, huling namataang buhay ang mag-utol na naglalaro bandang alas-8 ng umaga sa likurang bahagi ng kanilang bahay malapit sa ilog sa Sitio Giwid.

vuukle comment

BAGYONG AMBO

BARANGAY SAGRADA

BUSUANGA

CIVIL DEFENSE

MASYADONG

PALAWAN

PRINCESS BEYONCE

PRINCESS BEYONCE ABRERA

SHAOUN MORIE

SITIO GIWID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with