^

Probinsiya

Frat member itinumba

- Ni Victor Martin -

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Pinaniniwalaang frat war ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang miyembro ng fraternity ng mga di-kilalang kalalakihan sa gilid ng highway sa Barangay Rabon sa bayan ng Rosario, La Union kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat, dakong alas 8:30 ng gabi kamakalawa nang matagpuan sa gilid ng kalsada ang duguang katawan ni Edno Facon ng Tau Gamma Fraternity-Salcedo Chapter at naka-tira sa Barangay San Vicente sa Urdaneta City, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay iginapos, tinakpan ang mga mata at ibinalot ng packaging tape ang bibig.

Narekober sa crime scene ang 6-basyo ng cal. 45 pistol na ginamit sa pagpatay sa biktima.

Isa sa sinisilip ng pulisya ay ang anggulong frat war ng magkalabang grupo ng kabataan.

vuukle comment

AYON

BARANGAY RABON

BARANGAY SAN VICENTE

EDNO FACON

ISA

ISABELA

LA UNION

NAREKOBER

TAU GAMMA FRATERNITY-SALCEDO CHAPTER

URDANETA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with