^

Probinsiya

2 rapist ng nene, timbog

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya  ,Philippines — Sa bilangguan ang bagsak ng dalawang manyakis matapos silang maaresto ng mga elemento ng pulisya sa kasong rape sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito, ayon sa ulat kahapon.

Nakilala ang inarestong mga suspek na sina Joseph Tayaban, 23,   ng Brgy. Tiblac, Ambaguio at Frederick Bernabe, 43, ng Brgy. Bone South, Aritao ng lalawigang ito.

Unang dinakip ng mga awtoridad si Bernabe at tuluyang kinasuhan ng rape matapos pagsamantalahan ang isang 8- anyos na batang babae sa loob ng kanyang tahanan noong nakalipas na Miyerkules.

Napag-alaman na inutusan ng suspek ang musmos na bumili ng posporo subalit nang bumalik ang bata upang ibigay ang ipina­bili ay agad itong hinila ng suspek sa loob ng kanyang bahay at doon pinagsamantalahan.

Samantala, si Tayaban ay inaresto naman kamakalawa (22Jan) dakong alas -5:00 ng hapon matapos siyang tugusin ng mga kagawad ng Ambaguio police station dahil sa panggagahasa sa isang 11-anyos na batang babae.

Napag-alaman na naglalakad ang batang babae kasama ang kanyang pinsan sa isang madamong bahagi ng nasabing barangay nang harangin sila ng suspek na lango umano sa alak at agad na hinila ang dalawang bata at isinagawa ang makamundong pagnanasa.

vuukle comment

AMBAGUIO

ARITAO

BERNABE

BONE SOUTH

BRGY

FREDERICK BERNABE

JOSEPH TAYABAN

MIYERKULES

NAPAG

NUEVA VIZCAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with