PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Preso nagbigti sa selda

BALANGA CITY, Ba­taan, Philippines  — Pinaniniwalaang kawalan ng pag-asa sa buhay kaya nagbigti ang isang 27-anyos na preso sa loob ng selda sa San Beda Bataan BJMP sa Balanga City Bataan kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ni P/Senior Supt. Renato Gacutan ang nag-suicide na si Rommel Ferrer, may kasong paglabag sa Dangerous Drug Act at nakatira sa Barangay Cabcaben sa bayan ng Mariveles, Bataan.

Ayon kay JO1 Marcos Dangain, nadiskubre ang bangkay ni Ferrer sa loob ng palikuran ng selda matapos ang headcount sa mga preso.

Huling namataang buhay ang biktima na nakikipagkuwentuhan sa mga kakosa kaugnay sa hindi pagdalaw ng kanyang pamilya noong araw ng Pasko.

Sinabi pa ng biktima sa mga kakosang preso na kung hindi siya dadalawin ng kanyang pamilya ay siya mismo ang dadalaw sa kanila.  

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: