PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Tollway mishap: 2 dedo, 20 sugatan

BATANGAS ,Philippines  – Dalawa-katao ang sinalubong ni kamatayan habang 20 iba pa ang sugatan matapos bumaliktad ang service van sa kahabaan ng Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway sa Barangay San Juan sa bayan ng Malvar, Batangas kahapon ng uma­ga. Kinilala ni SPO1 Marlon Fetizanan ang dalawang nasawi na sina Delfin Calazara, driver ng Isuzu van (XEL-673) at John Paul Atienza, kawani ng Right Goods Philippines Inc. Namatay habang ginagamot sa Mary Mediatrix Hospital sina Calazara at Atienza habang ang 15 iba pa ay ginagamot at ang 5 pasahero naman ay isinugod sa Lipa Medix Hospital. Base sa police report, papasok na sa trabaho ang mga biktima sa Calamba, Laguna mula sa Lipa City, Batangas nang sumabog ang kaliwang gulong sa hulihang bahagi pagsapit sa northbound lane ng KM 70 sa Barangay San Juan bandang alas-6 ng umaga. Batay sa salaysay ng mga saksi, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa bumaliktad ito ng ilang ulit hanggang tumilapon ang mga biktima palabas ng van ng ilang metro ang layo mula sa sasakyan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: