^

Probinsiya

P4M ari-arian ng paaralan naabo

- Nila Dino Balabo at Rudy Andal -

SAN SIMON, Pampanga, Philippines  — Dahil sa faulty electrical wirings at kawalan ng fire truck ay naabo ang P4 milyong halaga ng ari-arian matapos masunog ang anim na silid-aralan sa bayan ng San Simon, Pampanga noong Sabado ng hapon.

Walang iniulat na nasak­tan sa nasabing sunog na tumupok sa Assumpta Technical School sa di-kalayuan sa San Simon Toll Plaza ng North Luzon Expressway, ayon kay Fire Senior Insp. Rodel Emmanuel.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nagsimula bandang alas-4 ng hapon at naapula bandang alas-6 ng gabi.

Ayon naman kay Sister Josefina Magat, kinatawan ng nasabing paaralan, nagsimula ang sunog habang hinihintay niya ang kapwa madre para sa pagpupulong nang nakarinig siya ng mga sigawan papalabas ng isa sa mga kuwarto. 

Ayon sa mga saksi, kung mayroon lamang fire truck ang bayang ito ay agad sanang naapula ang apoy at hindi na natupok ang nasa­bing gusali.

Kaagad naman dumating ang mga bumbero ng kalapit-bayan ng Minalin, Apalit at ang bayan ng Sto. Tomas. Humabol din ang fire truck ng Fil-Chinese volunteer na mula sa Binondo, Manila upang tumulong sa pag-apula ng sunog.

Inamin naman ni Coun. George Carino na nawasak ang fire truck ng bayan ng San Simon at kailangan ang pondong P165,000 para maipagawa ito.

vuukle comment

ASSUMPTA TECHNICAL SCHOOL

AYON

FIRE SENIOR INSP

GEORGE CARINO

NORTH LUZON EXPRESSWAY

PAMPANGA

RODEL EMMANUEL

SAN SIMON

SAN SIMON TOLL PLAZA

SISTER JOSEFINA MAGAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with