PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

3 tulak arestado

MANILA, Philippines - Tatlong notoryus na tulak ng bawal na droga ang nadakip ng mga operatiba ng  Philippine Drug Enforcement Agency-10 sa isinagawang buy-bust operation sa Ramonal Village, Barangay Camaman-an, Cagayan de Oro City. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Danilo Macapayag, 46, ng Ramonal Village; Fermiliano Vañes, 63, ng Barangay Iponan at si Kenneth Taylor ng Upper Carmen, Cagayan de Oro City. Nakumpiska sa mga suspek ang 31-plastic sachet ng shabu, pinatuyong dahon ng Marijuana, shabu residue, improvised glass tooter, 4 disposable lighters, 9 foil tooters, 7 rolyo ng aluminum foils at ang P500 marked money.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: