PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Inuman niratrat: 2 todas, 4 sugatan

RIZAL, Philippines  - Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang apat iba pa ang sugatan makaraang ratratin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki ang nag-iinumang grupo ng kalalakihan sa bayan ng Rodriguez, Rizal kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga na­paslang ay sina Jessie Boy Placer, 30, sub-contractor at Eduardo Magtantay, 33, kapwa  nakatira  sa  Blk-11, Lot-8, Phase-3, Villa San Isidro sa nasabing bayan.

Nasa Amang Rodriguez Medical Center at Quirino Memorial Hospital ang mga sugatang sina Ernesto Placer, 52; Claire Cristobal, 32, ng Blk-17, Lot-1 Villa San Isidro; Ruel Placer, 27; at si Brian Alvarez, 29.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas- 8:20 ng gabi nang  pagbabarilin ang masayang nag-iinumang mga biktima sa bahay ng sub-contractor na si Jessie Boy.

Nabatid naman na nag­lalakad lamang malapit sa lugar ng krimen ang ba­baeng si Cristobal nang mahagip ng ligaw na bala.

May teorya ang pulisya na maaaring may kaugna­yan sa patakbo ni Placer sa kanyang mga trabahador ang ugat ng krimen dahil sa may isang buwan na hindi nito pinasasahod ang mga tauhan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: