PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Magkaibigan nilamon ng ilog

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Nilamon ng ilog ang magkaibigang lalaki matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig ng Cagayan River sa Isabela, ayon sa ulat kamakalawa. Kinilala ang dalawa na sina Edmund Cadaya, 26, at Herman Naniog, kapwa nakatira sa Santiago City, Isabela. Sa naantalang ulat, lumilitaw na ang dalawa na kabilang ang limang iba pa ay nagtungo sa Cagayan River ng Garit Norte, Echague noong Linggo upang maligo. Unang tinangay ng agos si Cadaya kaya tumalon din si Naniog upang tulungan ang kaibigan subalit maging siya ay tinangay ng malakas na agos ng ilog.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: