PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pulis-Bataan nakapatay sa bar

OLONGAPO CITY – Kalaboso ang binagsakan ng isang tinyente ng pulis makaraang mamaril at makapatay  ng isang lalaki sa loob ng  bar sa Magsaysay Drive, Barangy East Tapinac, Olongapo City ka­makalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang suspek na P/Inspector Jovito Paderno ng Special Action Force na nakabase sa Morong, Bataan. Naisugod naman sa James L. Gordon Hospital subalit namatay din ang bik­timang si Ernie Lee, 23, ng Barangay Kalalake. Sa imbestigasyon ng pulisya, senglot na nagtungo ang suspek sa Brews Bistro Bar at sa hindi nabatid na dahilan ay sinundan ang biktima sa loob ng palikuran. Dito na nakarinig ng malakas na putok ng baril ang mga staff ng bar. Napag-alamang tinangkang tumakas ng suspek subalit hinarang ng ilang security guard habang ang biktimang tinamaan sa likurang bahagi ng ulo na ikinasawi nito sa nasabing ospital.  Alex Galang

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: