PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Estudyanteng buntis dinedo

LEGAZPI CITY, Philippines – Napaslang ang isang 18-anyos na estud­yanteng tatlong buwang buntis makaraang pagbabarilin ng kanyang ka-live-in sa loob ng boarding house ng babae sa Diamond Street sa Brgy. San Felipe, Naga City, Cama­rines Sur kamakalawa ng gabi. Tatlong bala ng baril ang tu­mapos sa buhay ni Alma National habang nakatakas naman ang suspek na hindi nabatid ang pagkakakilanlan. Base sa police report, bago maganap ang pamamaslang ay nagkasigawan ang magkalive-in hanggang sa umali­ngawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: