Back to Top
8 pulis sabit sa May polls ambush
Ni Victor Martin () - June 10, 2010 - 12:00am

ISABELA, Philippines — Walong pu­lis ang nasa balag na ala­nganin masibak sa tungkulin at makulong ma­tapos ma­dawit sa pana­nam­bang na nag­resulta sa pagkamatay ng isang si­ bil­yan at ikinasugat ng da­la­wang iba pa noong May 10 polls sa Santiago City, Isabela.

Ayon kay Atty. Elias Le­lina ng Lelina-Gagate Law firm at abogado ng mga biktima, sinampahan na ng kasong murder, three counts ng frustrated murder, 21-counts ng attempt­ed murder at falsification of public documents at perjury ang mga akusado sa tanggapan ng city prosecutors office noong Mayo 25.

Kabilang sa mga kina­su­han sa National Police Commission ay sina P/Senior Supt. Reynaldo Sina­on, P/Chief Inspector Char­lie Ang-yaon, P/Senior Inspector Cleto Atluna, SPO3 Allan Pascual, SPO3 Char­lie Vier­nes, SPO1 Anthony Caser, PO3 John Lapat at si PO3 Joel Saraos.

Idinadawit ang mga aku­sado sa pananambang sa 25 sibilyan na lulan ng apat na sasakyan sa Ba­rangay Sa­gana, Santiago City kung saan nasawi si Allan Cas­tañeto, habang sugatan na­man sina Har­rison Corpuz, Villa­mor La­guit, Jennifer La­yugan at Josemari Galapon.

Ang mga biktima ay sina­sabing mga lider at mga volunteer ng Liberal Party mayoralty bet Arman­do Tan, dating city vice mayor na naging kalaban sa pulitika ni incumbent Mayor Amelita Navarro.

Kabilang sa mga nag­hain ng reklamo ay sina Omar Adoma, Francisco La­cueva, Mark Aquino, Felimon Ma­balot, Erold Membrado, Ro­mar Tran­qui­lino, Robert Jose, Ma­xi­mo Gervacio, Lope Tege­rero, Edilberto Tabayu­yong at si Edwin Evangelista.

Maliban sa mga inaku­sa­han na mga pulis ay idi­nawit din ang isang Miguel Salo­mon, deputy head ng San­tiago City Public Safety and Order Department.

Samantala, itinanggi na­man ng mga akusado ang akusasyon sa kanila.

ALLAN CAS ALLAN PASCUAL ANTHONY CASER CHIEF INSPECTOR CHAR CITY PUBLIC SAFETY AND ORDER DEPARTMENT EDILBERTO TABAYU EDWIN EVANGELISTA SANTIAGO CITY SHY
  • Latest
  • Trending
  • Recommended
Trending
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with