PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mag-asawa, anak minasaker

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinag­babaril hanggang sa ma­patay ang mag-asawa at anak sa loob ng kanilang tahanan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Pina­naan sa bayan ng Aroroy, Masbate.

Nagkabutas-butas ang mga katawan nina Diony Albao, 38, magsasaka; Rosalie Albao, 34; at anak na si Jonalyn Albao, 13.

Base sa police report, lumilitaw na magkaka­sa­mang nanonood ng tele­bisyon ang mga biktima nang pasukin ng mga ar­ma­dong kalalakihan ban­dang alas-8:45 ng gabi.

Matapos na halughugin ang bahay at makuha ang titulo ng lupa ng pamilya Albao ay magkakasabay na niratrat ng mga ‘di-pa kilalang lalaki.

Kaagad namang humi­ngi ng tulong sa pulisya ang ilang kapitbahay ng pamilya Albao matapos na makarinig ng mga putok ng baril mula sa tahanan ng mga biktima.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: