PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kuya inutas ni bunso

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City  , Philippines — Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang 22-anyos na kuya makaraang saksakin ng kanyang bunsong kapatid sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Purok 4, Ba­rangay Anahaw sa bayan ng Labo, Camarines Norte. Idineklarang patay sa Camarines Norte Provincial Hospital si Khann Satur habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Khart Satur,19. Nabatid na ang-inuman ng alak ang suspek kasama ang ilang kaibigan nang pagsabihan ng biktima na tumigil na sa kaiinum dahil sa lango na sa alak. Dahil dito ay nagalit ang suspek sa tinuran ng kanyang kuya kaya nauwi sa mainitang pagtatalo at pamamaslang. Ed Casulla

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: