PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 kawatan ng bigas tiklo

BULACAN , Philippines  — Dala­wang kalalakihan na sina­sabing notoryus na magna­nakaw ng mga bigas sa ilang pabrika ang naaresto sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Barangay Wa­kas sa bayan ng Bo­caue, Bu­lacan noong Hu­webes ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Ro­nald De Jesus ang mga sus­pek na sina Marlon San­tos, 33, enkargado, ng Brgy. Bagum­bayan, Bo­caue at Richard Duhay­lungsod, 24, stay-in worker sa Tambo Rice Mill sa Intercity Industrial Estate sa Brgy. Wakas.

Nadiskubre ang modus operandi ng dalawa mata­pos dumulog sa pulisya ang may-ari ng bigasan na si Ronald Untalan 35, ng Brgy. Longos sa bayan ng Balagtas.

Base sa reklamo ni Un­ta­lan ay nawawalan siya ng 20 sako ng palay na may halagang P17,000 kung saan ang dalawa ay pa­ngunahing suspek.

 Ikinanta ng mga suspek ang kanilang mga kasa­mang kawatan na guma­gala sa Intercity Industrial Estate upang nakawin ang mga nakaimbak na bigas, palay at darak sa bawat rice mill. Boy Cruz

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: