PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Eskuwelahan nasunog

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Tinatayang aabot sa P.2 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang pagdarausan ng graduation ng mga mag-aaral ng Binoligan Elementary School sa Barangay Binoligan, Kidapawan City, kahapon ng umaga. Ayon sa ulat, nagsimulang mag-apoy ang social hall matapos ang ilang minutong blackout kung saan pumutok ang fuse ng kuryente hanggang sa kumalat ang apoy sa buong gusali. Kaagad naman pinalabas ang mga mag-aaral mula sa klasrum kaya walang iniulat na nasugatan. Kasalukuyang naghahanap ng lugar ang principal ng eskwelahan sa pagdarausan ng kanilang graduation sa Lunes (Marso 29). Malu Manar

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: