PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bata nalitson sa sunog

Cebu – Isang kwatro-anyos na bata ang nalitson nang buhay matapos na matupok ng apoy ang kanilang bahay sa Sityo Danao, Barangay Lower Becerril Boljoon, Cebu noong Biyernes ng umaga.

Kinilala ni P03 Simplicio Flores ng Boljoon Police Station ang biktima na si Melissa Garganta na sinasabing naiwanan sa loob ng kanilang tirahan nang magsimulang lamunin ng apoy ang kanilang bahay.

Sa imbestigasyon ni SF01 Julde Deposa, fire marshal ng Boljoon fire sub-station, pinaglaruan umano ng singko-anyos na nakatatandang kapatid na babae ng biktima ang isang posporo at umabot sa nakaimbak na tuyong langkay ng niyog sa kanilang bahay.

Ang limang taong gulang na bata ang pinagbantay sa biktima ng kanilang inang si Elena habang ito ay naglalabada sa kapitbahay na may layong kalahating kilometro

Dahil na rin sa yari sa papag at langkay ang kanilang bahay ay madaling kumalat ang apoy at ‘di na nagawang isalba ng limang taong gulang ang bunsong kapatid sa mapait na kamatayan. (Edwin Ian Melecio)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: