PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sindikato sa pekeng pilak nalansag

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan, Philippines — Apat na miyembro ng isang sindikatong nagbebenta ng palsipikadong mamahaling pilak ang naaresto at ikinulong ng pulisya makaraang ireklamo sila ng mga nabiktima nilang negosyante sa lunsod na ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Joselito Afable, 36, ng Sta.Rosa, Laguna; Roberto Calustre, 50, binata, ng Silang, Cavite; Oscar Tausing, 44, ng Baesa, Caloocan City; at Marissa Guibay, 44, Silang.

Nasakote ang mga suspek makaraang ireklamo ng huli nilang mga biktimang negosyanteng sina Hipolita Zamora, 50, may-asawa; at Hecel Zamora y Manahan 30, binata, kapwa residente ng Violeta St., Barangay Saluysoy sa siyudad na ito. (Boy Cruz)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: