PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Coed kinidlat, todas

MANILA, Philippines - Nawalan ng kabuluhan ang pag-eenrol ng isang college student matapos na bawian ng buhay nang aksi­den­teng tamaan ng kidlat kamakalawa sa bayan ng Barotac Viejo, Iloilo.

Ang biktima ay nakilalang si Jelyn Carencia, 19 taong gulang, naninirahan sa Barangay Poblacion at estudyante sa Northern Iloilo Polytechnic College.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, galing si Carencia sa eskwelahan matapos itong magpa-enrol kung saan inabutan ito ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Dahil dito ay napilitang sumilong muna sa isang punong mangga ang biktima para magpatila sana ng ulan nang mang­yari ang trahedya.

Sa gitna ng malalakas na pagkulog ay tinamaan ng mala­kas na kidlat ang punong mangga at ang biktima.

Natagpuan ang katawan ni Carencia na may sunog sa dibdib at mga hita matapos ang pag-ulan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kasalukuyang pinagluluksaan na ngayon ng kaniyang pamilya at mga kaibigan ang biktima. (Joy Cantos)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: