PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

7 holdaper dinakma

BULACAN, Philippines  – Rehas na bakal ang binagsakan ng pitong kalalakihan na sinasabing mga suspek sa serye ng holda­pan sa mga aircon bus sa kahabaan ng Doña Remedios Trinidad Highway makaraang maaresto ng pulisya kamakalawa sa bayan ng San Rafael, Bulacan.

Kabilang sa mga suspek na kakasuhan ay sina Arman Pangan, Alvin Pangan, Alexander Cajuson, Michael Galla­nera, Jake Bautista, Mario Cajuson, at si Sherwin Dag-Ay na pawang mga residente ng Brgy.Poblacion, Baliwag, Bu­lacan. Base sa ulat ng pulisya, ang mga suspek ay naaresto matapos magsagawa ng panghoholdap sa Five Star aircon bus (TXT388) sa Brgy. Sacdalan sa bayan ng San Miguel, Bulacan.

Ayon sa pulisya, ang mga suspek na may mga dalang backpack ay magpapalit ng damit matapos mangholdap para hindi makilala ng mga awtoridad.

Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, ang mga suspek na lulan ng dalawang pampasaherong aircon bus ay nadakip matapos makatanggap ng impormasyon sa Barangay Cruz sa bayan ng San Rafael, Bulacan.

Narekober sa mga suspek ang isang baril, anim na pata­lim, 7 celpon, mga alahas, P8,902 at iba pang ari-arian ng mga pasahero kabilang ang perang kinita ng  kunduktor.

Inamin ng mga suspek ang panghoholdap sa mga pa­sahero ng 7-aircon bus at dalawang pampasaherong jeep­ney na may rutang Manila-Nueva Ecija. - Boy Cruz

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: