PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

P2 milyon loader sinunog

MANILA, Philippines – Sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army  ang isang peel loader makaraang salakayin ang compound na pag-aari ng isang inhenyero sa Brgy. San Vicente sa ba­yan ng Tagkawayan, Quezon kamakalawa. Sa police re­port na nakarating sa Camp Crame, nilusob ng mga re­belde ang compound ni Eng. Raymond Laborte at walang nagawa ang mga trabahador matapos na tutukan ng baril. Agad sinunog ng mga rebelde ang peel loader na nag­kakahalaga ng P 2 milyon bago mabilis na tumakas sakay ng dump truck (RVH-812) na pag-aari naman ni Engr. Ro­berto Devero. Narekober naman ang truck sa bahagi ng kahabaan ng Quirino highway sa Brgy. Sta. Monica sa bayan ng Tagkawayan. Pinaniniwalaan namang ang pag-atake ay may kinalaman sa pangingikil ng revolutionary tax ng mga rebelde kay Laborte.

Joy Cantos

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: