PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

3 bihag ng MILF pinalaya

MANILA, Philippines - Pinalaya na ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) renegades ang tatlong sibilyang hinostage nila sa Brgy. Dado, Alamada, North Cotabato, ayon sa opisyal kahapon. Sinabi ni Army’s 6th Infantry Division (ID) Spokesman Lt. Col. Jonathan Ponce, kabilang sa mga biktima na pinalaya ay sina Rolijun Linda­ yao, Riyo Lindayao at si Ritoy Elarkosa. Ayon kay Ponce ang naturang mga hostage ay ligtas na nakabalik sa kanilang pamilya bago magtakipsilim kamakalawa matapos na gawing human shield ng MILF renegades laban sa tumutugis na militar. Iniwan din ng mga rebelde ang limang baka at da­la­wang alagang kabayo, habang walo pang baka ang tinangay patungo sa direksyon ng kabundukan. Magugunita na ang tatlo ay dinukot ng MILF mata­pos salakayin ang  komunidad sa Sitio Dulao, Brgy. Dado, Alama­da, North Cotabato noong Lunes ng madaling-araw kung saan tinangay ang 15 alagang hayop. Joy Cantos at Malu Manar

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: