PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Guro itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang binatang guro ang natagpuan na lamang na tadtad ng tama ng saksak sa katawan at tinatayang pinaslang sa ibang lugar bago itinapon ang bangkay kahapon ng umaga sa Barangay Haring Canaman, Camarines Sur. Nakilala ang biktimang si Rogero Putong, 46, binata, at residente ng Barangay Liboton, Naga City. (Ed Casulla)

Police chief sinibak

La Trinidad, Benguet – Tinanggal na sa puwesto si Luna, Apayao Police Chief Senior Inspector Alex Apolonio dahil sa umano’y pagkakasangkot niya sa illegal logging sa lugar. Ginamit umano ni Apolonio ang kanyang posisyon para maluwag na mailabas sa lalawigan ang mga punongkahoy na iligal na pinutol sa Marag Valley. (Artemio Dumlao)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: