PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Totoy nilamon ng apoy

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang 7-anyos na totoy ang kumpirmadong nasawi matapos na makulong sa nasusunog na bahay sa Bagumbayan St. Barangay Sta Maria sa bayan ng Presentacion, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi. Halos matusta ang buong katawan ng biktimang si John Niño Correo, grade 1 pupil. Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na nakitulog ang biktima sa bahay ng kanyang tiyuhin at sa hindi inaasahang pagkakataon ay tinupok ng apoy ang nasabing lugar dakong alas-11:15 ng gabi. Hindi nakuhang naisalba ng kanyang kasambahay ang biktima dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy na pinaniniwalaang isa na namang kaso ng electrical faulty wiring. (Ed Casulla)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: