PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

15-M ransom sa kinidnap na SK prexy

CAMP AGUINALDO — Humingi na ng P15 milyong ransom kamakalawa ang grupo na kumidnap kay Irish Sarmiento upang mapalaya matapos na dukutin kamakailan sa bahagi ng Barangay Silat sa bayan ng Payao, Zamboanga Sibugay. Sa rekord ng pulisya, si Irish kasama ang syotang si Sappary Basa ay kinidnap habang sakay ng motorsiklo, subalit pinalaya si Basa pagsapit sa Sitio Malaygangan sa Barangay Mamagon, Naga.


Nanatiling bihag si Sarmiento matapos na isakay sa bangkang de motor patungo sa hindi nabatid na direksyon. (Ulat ni Joy Cantos)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: