PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

3 CAFGU niratrat ng MILF

CAMP AGUINALDO – Tatlong kasapi ng Citizen’s Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang iniulat na nasugatan makaraang ratratin ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front ang detachment ng mga biktima sa Sitio Lapuz, Barangay Liliongan, Carmen, Cotabato kamakalawa.


Kabilang sa nasugatan ay nakilalang sina Roberto Mosqueda, Paulo Oplimo at Leonardo Mosqueda na nahagip ng bala matapos na salakayin ang naturang lugar. Ayon sa ulat, tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok hanggang sa magsiatras ang mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: