^

Probinsiya

5 preso nakapuga

-
KORONADAL CITY –Limang preso na pawang nahaharap sa mabibigat na kasong kriminal ang tumakas sa kanilang detention cell sa naganap na jailbreak dito, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang mga pugante na sina Arman Alamada, Romeo Baylosis, Marvin Cachuela at Rodel Beriales na pawang nahaharap sa kasong robbery at murder.

Sa ulat, dakong alas-2 nang maganap ang pagpuga ng mga nabanggit na preso sa detention cell ng Koronadal City Police Station, South Cotabato.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nagawang makatakas ng nasabing mga preso sa pamamagitan ng paglalagare sa rehas na bakal ng kanilang selda.

Nabatid na sinamantala umano ng mga preso na makalingat ang mga jailguards at isinagawa ang pagtakas.

Pinaniniwalaan namang matagal ng isina-plano ng mga preso ang kanilang pagtakas lingid sa kaalaman ng pamunuan ng Korondal City Police.

Nadiskubre lamang ang pagtakas ng limang preso kinabukasan na ng umaga matapos magsagawa ng headcount ang mga jailguards sa mga preso.

Agad namang nagsagawa ng malawakang man-hunt operations ang Koronadal City Police laban sa mga nasabing pugante. (Ulat nina Joy Cantos at Boyet Jubelag)

vuukle comment

ARMAN ALAMADA

BOYET JUBELAG

JOY CANTOS

KORONADAL CITY POLICE

KORONADAL CITY POLICE STATION

KORONDAL CITY POLICE

MARVIN CACHUELA

PRESO

RODEL BERIALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with