Back to Top
2 sibilyan todas sa saksak
January 20, 2004 - 12:00am
CAVITE – Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi makaraang mapagtripang saksakin sa naganap na karahasan sa Barangay Calimag, General Mariano Alvarez, Cavite at Brgy. Mambog, Bacoor kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Bernardo Jimeno, 28, OFW ng Blk. 19 Lt 1 Brgy. Dacon at Arnold Batotoc, 34, samantalang agad namang nadakip ang suspek na pumatay kay Jimeno na si Elygio Dalugdog ng Tondo, Maynila. Si Winifred Ronas naman ay dinakip matapos na mapatay si Batotoc sa Barangay Mambog 3, Bacoor, Cavite.

Ayon sa imbestigasyon, si Jimeno ay naglalakad papauwi nang undayan ng saksak, samantalang si Batotoc ay tinusok ng screw driver matapos na makipagtalo kay Ronas.(Ulat ni Cristina G. Timbang)

ARNOLD BATOTOC BACOOR BARANGAY CALIMAG BARANGAY MAMBOG BATOTOC BERNARDO JIMENO BRGY CAVITE CRISTINA G ELYGIO DALUGDOG GENERAL MARIANO ALVAREZ
  • Latest
  • Trending
  • Recommended
Trending
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with