PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sanggol todas sa pag-atake ng MILF

Camp Aguinaldo –Sinawimpalad na masawi ang isang sanggol samantalang apat pa ang nasugatan matapos na tamaan ng ligaw na bala nang muling magsagawa ng pag-atake laban sa mga sibilyan ang separatistang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kamakalawa ng hapon sa lalawigan ng Maguindanao.


Isang tama ng bala ng M16 rifle ang maagang tumapos sa buhay ng biktimang si Baby Norhan Avil Diwata, residente ng Brgy. Kabingi, Datu Piang ng naturang probinsiya.


Nakilala naman ang mga nasugatan na sina Alvin Diwata, 14, kuya ng nasawing sanggol; Pauya Aba, 20; Maria Teresa, 29 at Jimbo Lumenda, 30; pawang mga residente ng nasabing lugar.


Sa report ng Phil. Army, tinatayang may 50 armadong MILF rebels ang sumalakay sa naturang barangay at pinaputukan ang kabahayan ng mga residente dito.


Naitaboy lamang ang mga rebelde matapos na magresponde ang magkakasanib na elemento ng militar at ng Civilian Volunteers Organization (CVO) kung saan nagkaroon ng may kalahating oras na palitan ng putok. (Ulat ni Danilo Garcia)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: