^

Probinsiya

Misencounter: 2 PDEA agents kritikal sa mga pulis, sundalo

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nakikipagbuno kay kamatayan matapos mapagkamalang tulak at ratratin ng mga pulis at sundalo sa nangya­ring misencounter sa Brgy. Baybayog, Alcala, Cagayan noong Huwebes.Sa report kay Cagayan Police Director Sr. Supt Warren Tolito, hinahabol ng magkaangkas sa motorsiklo na sina PDEA agents Judy-mar Molina at Rolando Francisco ang subject nilang tulak na tumakas sa kanilang isinagawang buy bust sa katabing bayan ng Amulung nang maka-engkuwentro ang mga pulis at sundalo ng Philippine Army (PA). ?Ayon sa report, sumiklab ang shootout nang mapadaan ang dalawang PDEA agents sa Brgy. Baybayog nang makasalubong ang mga pulis at sundalo na noon ay natakasan ng kanilang suspek sa isinagawa nilang sariling buy bust. ?Duguang bumulagta ang dalawang ahente nang humupa ang usok ng mga nagputukang baril dakong alas-11 ng tanghali.?Kaagad namang isinugod ng mga sundalo at pulis ang dalawang sugatan na noon lang nilang nalamang ahente pala ng PDEA. Kasalukuyang inoobserbahan sa isang pribadong hospital ang mga biktima habang patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nangyaring kapalpakan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with