^

Probinsiya

Lolang ex-mayor timbog sa armas

Raymund Catindig at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nasakote ang isang lola na dating alkalde at ang dalawang umano’y bodyguard nito matapos masamsam sa isang raid ng pulisya ang arms cache sa kanyang mansyon sa Brgy. San Roque, Paoay, Ilocos Norte kahapon.  Ayon kay Sr. Insp. Grandeur Tangonan, hepe ng PNP Paoay na dinala nila sa hospital ang arestadong si ex-mayor Dolores Clemente, 60, matapos atakihin ng alta-presyon nang halughugin ng mga awtoridad ang kanyang bahay dakong alas-6:00 ng umaga. ?Nakuha ng mga operatiba ang dalawang M16 armalite rifle, dalawang de-sabog, tig-isang cal.45 at 380 pistol at sari-saring mga bala sa teritoryo ng lola.?  Ayon kay Tangonan, dinala rin nila para sa kaukulang imbestigasyon ang dalawang lala­king sinasabing bodyguard ng matanda na pinaniniwalaang mga hired killers na kinukubkob nito.? Patuloy na sinisiyasat ng pulisya ang kaso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with