Pamumugot ng ulo ng NPA terrorists sa katutubong CAFGU, kinondena
MANILA, Philippines — Kinondena kahapon ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang brutal na pamumugot ng ulo sa isang dating rebelde na naging miyembro ng CAFGU Active Auxiliary (CAA) sa San Miguel, Surigao del Sur kamakailan.
“We condemn the torture done to the off-duty Manobo Cafgu Mar Acebedo Bocales, a father of three, who was abducted as he was hunting for wild animals to feed his family”, pahayag ni AFP Public Affairs Office Lt. Col. Emmanuel Garcia.
Ang bangkay ng biktima na isang katutubo ay nakitaan ng palatandaan na tinorture muna bago pinaslang saka pinugutan ng ulo ng NPA terrorists sa bulubunduking bahagi ng bahay ng San Miguel, Surigao del Sur na dumukot dito noong Enero 29 ng taong ito .
“This is yet again proof of the numerous atrocities of the NPA and of their barbarism that is comparable to the Abu Sayyaf and Daesh-Inspired Maute terrorists who behead their helpless victims”, anang opisyal.
Sa kasalukuyan, ayon kay Garcia ay patuloy ang kanilang hot pursuit operations upang mapanagot sa batas ang NPA terrorists at mabigyang hustisya ang sinapit ng biktima.
Samantalang, nanawagan rin ang opisyal sa taumbayan na magkaisa sa paglaban kontra terorismo at karahasan ng mga ekstremistang grupo.
Kinalampag rin ni Garcia ang hanay ng nalalabi pang NPA terrorists, ang armed wing ng CPP na magsisuko na sa batas.
- Latest