^

Probinsiya

Naghatid ng nobya, nilikida

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang 25-anyos na binatang naghatid ng kanyang kasintahan matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa hangganan ng Barangay Tina, Tacurong City at Barangay Tual, bayan ng Pres. Quirino sa Sultan Kudarat kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Alvin Denz Pablo ng Purok 6, Barangay Raja Muda sa Tacurong City. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Joan Resurrecion, chief of police ng Pres. Quirino Municipal Police Station, inihatid ng biktima ang kanyang nobya sa Barangay Katico, dakong alas-7 ng gabi.

Subalit nang papauwi na ang biktima ay niratrat ng tandem saka tinangay ang kanyang motorsiklo. Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng cal. 38 revolver habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with