^

Probinsiya

Magsasaka dinedo sa inuman

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  —  Napatay ang 59-anyos na magsasaka matapos itong pagtatagain ng kanyang kainuman na napikon sa kuwentuhan habang nagkakasayahan sa pistahan sa Purok-9, Malada ng Barangay Malabog sa bayan ng Daraga, Albay noong Linggo ng tanghali. Hindi na umabot ng ospital ang biktimang si Domingo Bolante Flora habang arestado naman ang suspek na si Manny Ibanez Sr., 37, kapwa residente sa nasabing barangay. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-12 ng tanghali, huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-iinuman sa suspek nang sumiklab ang pagtatalo ng dalawa. Gayunman, upang makaiwas sa gulo ay umuwi na lamang ang biktima at iniwanan ang suspek. Subalit habang naglalakad patungong bahay ang biktima ay biglang pinagtataga ng suspek hanggang sa mapatay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with